Bisor ng tracking company, itinumba
October 31, 2006 | 12:00am
Natagpuang lumulutang sa ilog at wala nang buhay ang supervisor ng isang tracking firm sa Malabon na may taga sa katawan, kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Henry Sapit, 36, operations supervisor ng R. Jose Tracking Company at naninirahan sa Davila St., Navotas, Metro Manila.
Si Sapit ay positibong kinilala ng kanyang kapatid na si Gener nang magtungo sa Eusebio Funeral Homes na dito inilagak ang mga labi ng biktima.
Sa isinagawang pagsisiyasat ng pulisya, dakong alas- 2 ng madaling-araw nang makita ng mga bystander ang lulutang-lutang na katawan ng biktima sa may gilid ng Malabon river sa David Santos C. Arellano St., San Agustin ng nasabing lungsod.
Nakitaan ng isang malalim na taga sa pige ang biktima na hinihinalang sanhi ng kanyang kamatayan.
Tinitingnan ng pulisya kung may kinalaman sa trabaho ang ginawang pamamaslang sa biktima o posibleng napagkamalan lamang na magnanakaw ito sa lugar.
Bago ang pagkakadiskubre sa bangkay ng biktima nakarinig umano ang mga residente sa lugar ng mga sigawan at makalipas ang ilang minuto ay natagpuan na ang bangkay ng biktima.
Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa kaso. (Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am