^

Metro

Presyo ng mga bulaklak tumaas

-
Matumal ang benta ng mga bulaklak at kandila ngayong Undas kung ikukumpara sa bentahan noong nakalipas na taon.

Ayon sa mga tindera, maaaring ito ay dahil na rin sa hirap ng buhay sa kasalukuyan at dahil na rin sa pagtaas ng presyo ng mga ito dahil sa nagkakaubusan ng rasyon sanhi sa mga nanalantang bagyo.

Noong nakalipas na taon umano buong buwan ng Oktubre ay dagsa na ang mga mamimili sa Dangwa subalit ngayon, kahit bukas na ang Araw ng Patay ay wala pa rin gaanong bumibili.

Ang isang dosenang Malaysian mums ay umaabot sa P140 subalit pagsapit ng Undas ay maaaring abutin hanggang P160, samantalang ang orchids sa ngayon ay mabibili pa sa P300 isang bundle subalit bukas posibleng tumaas ito sa P350.

Ang presyo ng rose ay P200 kada isang dosena, anthurium ay P200 din kada dosena, buttons ay P120 isang dosena at Calla Lily ay P40 isang dosena.

Maaaring bago mag-a-uno ay maiba at tumaas pa ang presyo nito lalo pa nga at binayo naman ng bagyong si ‘Paeng" ang Baguio City kaya posibleng hindi makapagbaba sa Maynila ng mga bulaklak. (Gemma Amargo-Garcia)

ARAW

AYON

BAGUIO CITY

CALLA LILY

DANGWA

GEMMA AMARGO-GARCIA

MAAARING

MATUMAL

MAYNILA

UNDAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with