^

Metro

Zero crime district target ng QCPD

-
Tiniyak ng bagong talagang Quezon City Police District Director na si Sr. Supt. Magtanggol Gatdula na ipagpapatuloy niya ang nasimulang mga proyekto ni dating QCPD director Chief Supt. Nicasio Radovan, Jr. para sa kapakanan ng mga residente ng lungsod at upang maging "zero crime district" ang lungsod.

Ayon kay Gatdula, kailangan lamang niya ang partisipasyon ng mga residente upang tuluyan nang mapuksa ang mga krimen sa lungsod at mabuwag ang iba’t ibang sindikato.

Bagama’t mahirap isakatuparan, sinabi ni Gatdula na gagawin niya ang lahat upang maging "zero crime district" ang lungsod sa ilalim ng kanyang panunungkulan.

Kasabay nito, nanawagan din si Gatdula sa kanyang mga pulis na ituloy ang kanilang pagbibigay ng serbisyo sa publiko at iwasang masangkot sa anomalya.

Aniya, hindi naman niya kukunsintihin ang sinumang pulis QC na madadamay at irereklamo. Handa umano siyang imbestigahan ang mga ito upang maipakita sa publiko na patas ang ibinibigay nilang hustisya sa bawat isa.

Bukod dito, ipinahayag naman ni Quezon City Mayor Feliciano Belmonte na mananatiling nakasuporta ang city government sa anumang mga proyekto ng QCPD laban sa kriminalidad. (Doris Franche)

ANIYA

CHIEF SUPT

DORIS FRANCHE

GATDULA

MAGTANGGOL GATDULA

NICASIO RADOVAN

QUEZON CITY MAYOR FELICIANO BELMONTE

QUEZON CITY POLICE DISTRICT DIRECTOR

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with