^

Metro

2 fire trucks sa 500,000 populasyon

-
Ang Valenzuela City ang may 500,000 populasyon, pero alam ba ninyong dadalawa lamang ang matino o gumaganang firetrucks sa lungsod na makapagbibigay responde kapag may sunog sa may 32 barangay dito.

Ayon kay Valenzuela Fire Dept. chief Agapito Nacario, lubha silang nahihirapan sa ginagawa nilang pagresponde sa tawag na mga sunog dahil nga sa kakulangan ng fire trucks.

Nabatid pa na nagdedepende o umaasa lamang sila sa tulong ng fire volunteers ng iba’t ibang grupo at kalapit bayan o lungsod bilang dagdag suporta sa kanila na maapula ang pagkalat ng apoy sa mga nagaganap na sunog. Sa tala, ang Valenzuela ay may 140 fire personnels o bumbero kung saan ang ideal ratio ng firemen sa populasyon dito ay 1: 2000.

Mula Enero hanggang Oktubre ngayon taon, ang Valenzuela Fire Department ay nakapagtala ng 112 insidente ng sunog sa kanilang nasasakupan na mas mababa ng 50 porsiyento ng fire incidents nitong nakalipas na taon.

Bagamat nangako ang Alkalde na si Mayor Sherwin Gatchalian na magbibigay ayuda sa problema ng fire department, inuna nitong ibigay ay hindi firetrucks kundi mga gadgets. Dahil dito, nangangamba ang mga residente sa tuwing magkakasunog dahil na rin sa siguradong dalawang bumbero lamang ang makakaresponde sa kanila at ang iba ay manggagaling pa sa ibang lugar na posibleng medyo matagalan. (Ellen Fernando)

AGAPITO NACARIO

ALKALDE

ANG VALENZUELA CITY

AYON

ELLEN FERNANDO

FIRE

MAYOR SHERWIN GATCHALIAN

MULA ENERO

VALENZUELA FIRE DEPARTMENT

VALENZUELA FIRE DEPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with