^

Metro

Pagdurusang trapik sa EDSA, tatagal pa

-
Posibleng tumagal pa hanggang Nobyembre 15 ng taong kasalukuyan ang nararanasang pagdurusa ng mga motorista na dumadaan sa kahabaan ng Edsa dahil sa isinasagawang major repair ng Metro Manila Development Authority (MMDA).

Nabatid kay MMDA Traffic Operations Center executive director Angelito Vergel de Dios na maaaaring umabot pa hanggang a-kinse ng Nobyembre ang ginagawang major repair sa EDSA.

Nitong mga nakaraang araw hanggang kahapon ay matinding trapik ang naranasan ng mga motortista. Marami ang nagalit dahil sa sinasabing ginagawa ng MMDA sa Edsa na umano’y isinabay pa sa uwian ng mga libu-libong katao para sa Undas.

Dahil dito, pinayuhan ang mga motorista na dumaan na lamang sa southern part ng Metro Manila kung saan maaari nilang gamitin ang Mandaluyong-Makati Bridge upang maiwasan ang pagsisikip sa Edsa. (Lordeth Bonilla)

ANGELITO VERGEL

DAHIL

DIOS

EDSA

LORDETH BONILLA

MANDALUYONG-MAKATI BRIDGE

METRO MANILA

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NOBYEMBRE

TRAFFIC OPERATIONS CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with