^

Metro

Empleyado ng Manila City Hall huli sa ‘kotong’

-
Inaresto ng mga security guard ng Manila North Cemetery ang isang kawani ng Manila City Hall dahil sa umano’y pangongotong at pananakot sa mga nagtitinda dito na kung hindi sila magbibigay ng pera ay hindi sila maaaring makapagtinda sa araw ng mga patay sa Nobyembre 1.

Kinilala ang suspect na si Joseph Jamero, 57, special operations enforcer ng Department of Public Services sa Manila City Hall at residente ng 1980 Kahilum 2, Pandacan, Manila.

Base sa reklamo nina Modesto Vergara, 60, ng #173 Labo St., La Loma, Quezon City at Reynaldo Lopez, 46, ng Mendoza St., Gagalangin, Tondo, kapwa tindero sa North Cemetery, bandang alas-11 ng umaga nang puntahan sila ni Jamero sa kanilang puwesto sa Second St. Sinabihan umano sila ng suspect na sobra sa sukat ang kanilang mga puwesto kaya’t para payagan umano silang makapagtinda ay kinakailangang magbigay sila ng P1,400 bawat isa.

Bunsod nito kaya’t nagduda ang mga tindero at tindera sa lugar na agad namang humingi ng tulong sa mga security guard ng Manila North Cemetery. Sa pagberipika, natukoy si Jamero na empleyado ng Manila City Hall ngunit walang pahintulot ang kanyang pangungolekta ng salapi sa mga vendor. (Gemma Amargo-Garcia)

DEPARTMENT OF PUBLIC SERVICES

GEMMA AMARGO-GARCIA

JAMERO

JOSEPH JAMERO

LA LOMA

LABO ST.

MANILA CITY HALL

MANILA NORTH CEMETERY

MENDOZA ST.

MODESTO VERGARA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with