^

Metro

Opisyal ng Pasig Police inireklamo ng panghahalay

-
Nalalagay sa balag ng alanganin ang isang opisyal ng Pasig police makaraang ireklamo umano ito ng panggagahasa ng isang 18-anyos na dalaga na nahuli sa kasong shoplifting na nahuli sa isang mall sa nasabing lungsod kamakailan.

Ang inireklamo ay si P/Inspector Lorenzo Trajano, hepe ng Criminal Investigation Branch (CIB) ng Pasig police ng biktimang itinago sa pangalang "Angel", 18, residente ng 142 2nd St. Paliparan Brgy. Sto. Niño, Marikina City.

Nabatid na naaresto si Angel noong Oktubre 2 ng hapon ng mga security guard ng Robinson Metro East na matatagpuan sa kahabaan ng Marcos Hi-way Brgy. dela Paz ng lungsod na ito at nakuha dito ang mga pantalon at damit pambabae na tangkang nakawin.

Agad na itinurn-over ng mga sekyu ng mall ang babae sa pangangalaga ng CIB ng Pasig police upang ipiit.

Subalit sa reklamo umano ni Angel sa tanggapan ng Women’s and Childrens Complaint Unit (WCCU) ng Pasig police imbes na ipiit siya sa kulungan kasama ang iba pang presong babae ay sa tanggapan ni Trajano siya inilagay at doon ay umano naganap ang ginawang kahalayan sa kanya ng opisyal.

Umabot ng dalawang linggong nasa-kostudiya si Angel sa tanggapan ng CIB bago ito iturn-over sa tanggapan ng WCCU noong Oktubre 17 na pinirmahan ni P/Sr. Insp. Editha Lee, hepe ng tanggapan.

Sa WCCU din ipina-blotter ni Angel ang ginawa umano sa kanya ni Trajano subalit sinubukang hanapin ng mamamahayag na ito ang ipina-blotter ng dalaga sa tanggapan ni Sr.Insp. Lee ng magtungo ito kahapon ngunit hindi ito pinagbigyang silipin man lang ang kanilang blotter sa kabila ng ito ay isang public document.

Paliwanag ni Lee na kailangang humingi muna ng pahintulot kay Sr. Supt. Francisco Uyami Jr, hepe ng Pasig police para matingnan ang kanilang blotter.

Nang kapanayamin naman ng pahayagang ito si Trajano upang kunin ang kanyang paliwanag, ipinakita nito ang sinumpaang salaysay si Angel na mayroon pa umanong pirma na magpapatunay na pinasinungalingan na umano ng dalaga ang nauna niyang ipina-blotter sa tanggapan ng WCCU at nakasaad pa sa salaysay na kaya lang umano siya inilagay sa opisina ng opisyal ay dahil mataas ang lagnat niya at para hindi umano makahawa sa ibang preso. Hinamon din ni Trajano na isampa ni Angel ang kaso sa korte upang doon na lang sila magkita. (Edwin Balasa)

ANGEL

CHILDRENS COMPLAINT UNIT

CRIMINAL INVESTIGATION BRANCH

EDITHA LEE

EDWIN BALASA

FRANCISCO UYAMI JR

INSPECTOR LORENZO TRAJANO

PASIG

TRAJANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with