Sekyu tinodas ng kapwa sekyu
October 27, 2006 | 12:00am
Nasawi ang isang security guard matapos na barilin ng kasamahan nito sa trabaho nang magtalo ukol sa tiket ng mga pumapasok at lumalabas na cargo truck sa Port Area, Manila kamakalawa ng gabi.
Nakilala ang nasawi na si Edgard Labiyo, alyas Rich, 49, may-asawa, security guard, ng Bataan Shipyard and Engineering Company (BASECO), at residente ng Baseco Compound Shipyard, Bagong Lupa, Port Area, Manila.
Pinaghahanap naman ang tumakas na suspect na nakilala lamang sa kanyang name tag na "R.A. Mayorca", nasa pagitan ng edad 25-28 anyos at security guard naman ng Millanes Group of Security (MILGOS).
Sa ulat ng MPD-Homicide Section, naganap ang pamamaril dakong alas-8:15 ng gabi malapit sa guard house ng Baseco Integrated Cargo Terminal sa Baseco compound.
Nabatid sa imbestigasyon na kinompronta ng suspect si Labiyo sa umanoy pakikialam nito sa kanyang trabaho sa pag-aabot ng gate pass o tiket sa mga pumapasok at lumalabas na cargo truck sa Baseco compound sa kabila na isang linggo pa lang ito sa kanyang trabaho.
Nakita ng mga saksi na nagtatalo ang dalawa hanggang sa barilin ni Mayorca ang biktima sa dibdib gamit ang shotgun sanhi ng agad na kamatayan ni Labiyo. Mabilis na tumakas ang suspect dala ang armas na ginamit sa krimen. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am