^

Metro

Pag-aalburoto ng Marines, hinihilot

-
Dahilan umano sa nagbabadyang pag-aalburotong muli ng Phil. Marines hindi natuloy ang paglilipat sa anim na opisyal na nasangkot sa kontrobersiyal na standoff noong Pebrero 26 sa Fort Bonifacio, Makati City.

Ayon sa ilang opisyal ng Marines na tumangging magpabanggit ng pangalan posibleng mauwi muli sa panibagong pag-aalburoto sa kanilang hanay kung ililipat ang anim sa 13 opisyal na idinawit rin sa bigong kudeta noong Pebrero 24, ng taong kasalukuyan.

Nabatid na pinigil ni Navy Flag Officer-in Command Vice Admiral Mateo Mayuga ang paglilipat kina Cols. Ariel Querubin, Januario Caringal at Lt. Cols. Custodio Parcon, Achilles Segumalian, Orlando de Leon at Armando Banez.

Si Querubin ang sinasabing siyang namuno sa naganap na standoff noong Pebrero 26 o dalawang araw matapos masilat ang tangkang kudeta. Sa halip ang anim ay inilipat lamang ng kulungan sa Phil. Marines Detention Center sa Fort Bonifacio may ilang metro ang layo mula sa Bonifacio Naval Station staff house na siyang dating pinagkulungan sa mga ito.

Hindi naman maipaliwanag kaagad ni Navy Spokesman Commander Giovanni Bacordo kung bakit nagbago ang isip ni Mayuga at hindi ipinatuloy ang planong paglilipat sa mga nabanggit na opisyal sa Fort San Felipe sa Cavite na siyang napagkasunduan nila ni AFP Chief of Staff Gen. Hermogenes Esperon Jr.

Magugunita na matapos umugong ang planong pagtatakas umano sa anim na Marine Officers noong Martes ng gabi ay ipinag-utos ni Esperon ang paglilipat sa mga ito ng kulungan sa Camp Capinpin sa Tanay, Rizal pero kinontra ito ni Mayuga na nagsabing sa naval station na lamang sa Fort San Felipe sa Cavite. Dahil dito may umugong na muling mag-aalburoto ang Marines kapag isinagawa ang paglilipat sa mga opisyal kung kaya hindi ito itinuloy. (Joy Cantos)

ACHILLES SEGUMALIAN

ARIEL QUERUBIN

ARMANDO BANEZ

BONIFACIO NAVAL STATION

CAMP CAPINPIN

CAVITE

CHIEF OF STAFF GEN

FORT BONIFACIO

FORT SAN FELIPE

PEBRERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with