^

Metro

P730-M Ketamine nasamsam

- Joy Cantos -
Umaabot sa 9,999 vials (botelya) ng drogang Ketamine na nagkakahalaga ng P730 milyon ang nasamsam ng pinagsanib na elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Bureau of Customs (BoC) sa isinagawang operasyon sa Ninoy Aquino International Airport, Pasay CIty, kahapon.

Ayon kay PDEA chief ret. Gen. Dionisio Santiago, nasabat ng kanilang mga tauhan ang nasabing droga sa NAIA international cargo terminal kamakailan pero kahapon lamang isinawalat sa media matapos ang isinagawang imbestigasyon.

Ang Ketamine ay isang uri ng anaesthetic na karaniwan nang ginagamit sa mga pangarerang kabayo na alternatibo namang "party drug" ng mga durugista na bagaman nakararamdam ng kakaibang lakas ay may masamang epekto sa utak at katawan ng taong nakainom nito.

Sinabi ni PDEA spokesman Sr. Supt. Francisco Gabriel na ang nasabat na Ketamine ay idineklarang textile garments at nakarehistro sa Philippine Skylander Inc. warehouse, NAIA Road, Parañaque City.

Natuklasan na naka-consign sa Felfort Marketing na may business address sa Brgy. Manresa, Quezon City ang naturang mga bultu ng Ketamine.

Inihayag ng opisyal na sakay ng Qatar Airways flight no. 646 galing Karachi, Pakistan ang nasamsam na mga epektos kung saan itinanggi ng Felfort Marketing na sila ang may-ari ng naturang mga shipment.

ANG KETAMINE

BUREAU OF CUSTOMS

DIONISIO SANTIAGO

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

FELFORT MARKETING

FRANCISCO GABRIEL

KETAMINE

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PHILIPPINE SKYLANDER INC

QATAR AIRWAYS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with