^

Metro

Killer ng barangay chairman timbog

-
Bumagsak na sa kamay ng mga operatiba ng Caloocan Police kahapon ang isa sa dalawang suspect na itinuturong bumaril at pumatay sa isang barangay chairman nitong Lunes ng umaga.

Nadakip ng mga tauhan ni Sr. Supt. Napoleon Cuaton, deputy chief of police ang suspect na si Andy Bernardo sa pinagtataguan nito sa Deparo, nasabing lungsod.

Si Bernardo ang umano’y bumaril nang malapitan kay Brgy. 168 Chairman Lauro "Larry" del Rosario sa Deparo sanhi ng kanyang agarang pagkamatay bunga ng isang tama ng punglo sa ulo.

Samantala, pinaghahanap pa ng mga awtoridad ang isa pang kasamahan ni Bernardo na si Jon-Jon Osario.

Magugunita na inabangan si del Rosario ng dalawang nabanggit na suspect sakay ng isang pulang motorsiklo sa may Llano Road at habang nagbababa ng pinamili sa kanyang van ang biktima ay pinaputukan nang malapitan ni Bernardo. Nagsilbi namang look-out si Osario at matapos na mabaril ang biktima ay mabilis na tumakas ang mga salarin.

Isa naman sa mga suspect ang tinukoy ng pulisya na unang naaresto ng mga tauhan ni del Rosario sa barangay dahil sa pagdadala ng baril at agad nitong ipinakulong. Dahil dito, malaki ang paniwala ng pulisya at mga kaanak ng nasawi na paghihiganti ang motibo sa pamamaslang sa chairman. (Ellen Fernando)

vuukle comment

ANDY BERNARDO

BERNARDO

CALOOCAN POLICE

CHAIRMAN LAURO

DEPARO

ELLEN FERNANDO

JON-JON OSARIO

LLANO ROAD

NAPOLEON CUATON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with