2 killer ng barangay chairman kilala na
October 25, 2006 | 12:00am
Kilala na ng mga awtoridad ang dalawang lalaking pinaniniwalaang bumaril at pumatay sa isang barangay captain kamakalawa ng umaga sa Caloocan City kasabay ng isinasagawang manhunt operation laban sa mga ito.
Ayon sa report, tinukoy ang mga suspect na sina Andy Bernardo at Jon-jon Osario, pawang pinaghihinalaang sangkot sa ipinagbabawal na gamot at iba pang krimen sa lugar na siyang responsable umano sa pananambang at pagpatay kay Brgy. 168 Chairman Lauro "Larry" del Rosario ng NPC Line, Deparo, Caloocan City sanhi ng isang tama ng bala sa ulo.
Base sa paunang report, paghihiganti ang lumalabas na motibo sa pamamaslang kay del Rosario dahil sa mahigpit nitong kampanya laban sa mga kriminal at illegal na droga sa kanyang nasasakupan. Ayon pa rito, nitong unang buwan ng taon ay naaresto ang isa sa mga suspect dahil sa pagdadala ng baril at agad nitong ipinakulong. Bukod sa pagpatay kay del Rosario, napag-alaman na noong 2001 ay brutal ding pinatay ang kapatid nito na si Nemensio del Rosario na noon ay chairman din ng naturang barangay dahil din sa mahigpit nitong anti-crime drive sa lugar. (Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am