Nakilala ang nasawi na si Conrado delos Santos ng Maria Orosa St., Ermita, Maynila.
Ayon sa ulat, sumiklab ang apoy dakong alas-3:36 ng hapon sa isa sa mga bahay sa Maria Orosa at Jorge Bocobo St., Ermita. Agad na kumalat ang apoy sa mga karatig bahay. Umabot sa ikalimang alarma ang naturang sunog bago ito naapula dakong alas-5 ng hapon.
Nabatid naman na nakalabas na sa kanyang nasusunog na bahay si delos Santos ngunit nagpumiglas sa pagkakahawak ng kanyang mga kaanak at bumalik sa kanyang tahanan upang iligtas ang mahahalaga nitong gamit. Hindi na nagawa pang makalabas ng bahay ng biktima at tuluyan itong natupok ng apoy. Tinataya namang aabot sa mahigit sa isang milyong pisong halaga ng ari-arian ang natupok. Apatnapung kabahayan ang naabo at aabot sa 100 pamilya ang naapektuhan sa naganap na sunog. Kasalukuyan pang inaalam ng mga arson investigator ang sanhi ng pagsiklab ng apoy. (Danilo Garcia)