^

Metro

80 percent empleyado sa Makati City Hall walang TIN

-
Hindi pa man nalulusutan ni Makati City Mayor Jejomar Binay ang mga kaso nitong katiwalian na may kaugnayan sa mga ghost employees at ang P232 million overpricing pagbili ng mga office furniture, nakatakda na namang maharap ito sa panibagong katiwalian makaraang hamunin ito kahapon ng isang dating konsehal at kaalyado nito na ipaliwanag nito kung bakit hindi nakarehistro o walang Tax Identification Numbers (TIN) ang 80 porsyentong kawani ng Makati City Hall Office sa loob ng mahigit na siyam na taon, samantalang itinatalaga ito ng batas sa lahat ng mga kawani mapa-gobyerno o mapa-pribado man.

Ito ay base sa isang sertipikasyon na ipinakita ni dating Makati City Councilor Oscar Ibay na dating kaalyado ni Binay mula sa Bureau of Internal Revenue (BIR), na nilagdaan nina Elizabeth Gracia V. Sacramento, head ng Document Processing Section at Roberto A. Baquiran, Revenue District Officer, na nakatalaga sa nabanggit na tanggapan.

Nabatid na sa loob ng mahigit na siyam na taon, nasa 80 porsiyento ng mga kawani ng city hall ang hindi rehistrado sa BIR o wala silang TIN number, samantalang kinakaltasan umano sila nito sa kanilang suweldo.

Nabatid na may 12,000 kawani ang Makati City Hall Office, kung saan karamihan umano sa mga kawaning walang TIN number ay kinakaltasan ng tax, ngunit hindi naman umano nire-remit ito sa BIR.

Ayon pa kay Ibay, base sa dokumentong hawak nila, mayroong 8,000 "fictitious employees" sa city hall na sumusuweldo ng P10,000.00 kada buwan, kung saan nasa P960 million ang nawawalang pera sa pamahalaang lungsod kada taon at siyam na billion naman sa loob ng limang taon.

Tahasang sinabi ni Ibay na handa siyang tumestigo na laganap talaga ang mga ghost employees sa naturang tanggapan at handa niya itong patunayan base na rin sa mga hawak niyang dokumento. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

DOCUMENT PROCESSING SECTION

ELIZABETH GRACIA V

IBAY

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY COUNCILOR OSCAR IBAY

MAKATI CITY HALL OFFICE

MAKATI CITY MAYOR JEJOMAR BINAY

NABATID

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with