Motorsiklo, sumalpok sa van: Lalaki kritikal
October 23, 2006 | 12:00am
Kritikal ang isang lalaki nang sumalpok ang sinasakyan nitong motorsiklo sa van sa isang U-turn slot sa Commonwealth Avenue, Quezon City.
Inoobserbahan pa rin sa East Avenue Medical Center ang biktimang si Valentine Opiana, Jr., 23, ng #415 Lucia St. Mandaluyong City matapos magtamo ng pasa at sugat sa ulo at leeg.
Batay sa imbestigasyon ni SPO3 Reynaldo Patiag ng QCPD-Traffic Sector 5, dakong alas-9:40 ng umaga nang maganap ang aksidente habang paliko sa U-turn slot sa Commonwealth ang Hyundai van(XVM-516) na minamaneho ng Koreano na si Seung Lee, 33.
Bigla na lamang sumulpot ang biktima sakay ng motorsiklo at tuluy-tuloy na sumalpok sa likurang bahagi ng sasakyan ni Lee.
Nahaharap naman sa kasong reckless imprudence resulting to damage to property at physical injury si Lee. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest