^

Metro

Amok: 1 patay, 1 sugatan

- Danilo Garcia -
Patay ang isang 19-anyos na binata habang tinamaan ng ligaw na bala ang isang dalaga matapos na mag-ala-Rambo ang isa sa tatlong kabataan na walang habas na namaril sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi.

Idineklarang dead-on-arrival sa Valenzuela General Hospital ang biktimang si Bryan Gonzales, ng San Pascual, Obando, Bulacan dahil sa tinamong isang tama ng punglo sa dibdib.

Agad ding pinalabas ng mga doktor sa naturang ospital ang kasamahan nitong dalaga na si Aidren Tayzon, 19, ng Obando, Bulacan matapos na malunasan ang kanyang sugat sa kaliwang kamay.

Pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang pangunahing suspect na si Christopher Raymundo, nakatira sa #32 Plaridel St., Pag-asa, at maging ang dalawa nitong kasamahan na sina Jeffrey Raymundo, ng Greenfield, Pag-asa, at isang alyas "Kakandong" ng Obando, Bulacan.

Base sa isinagawang pagsisiyasat ng pulisya, dakong alas-9 ng gabi nang bigla na lamang manggulo ang grupo ng mga suspect sa may Roberto St., Sitio Malabo, Mayson habang nakatayo naman ang mga biktima.

Kasunod nito ay naghamon ng away ang mga suspect at hanggang sa bigla na lamang bumunot ng hindi malamang kalibre ng baril si Christopher Raymundo at walang habas na nagpaputok.

Pinuntirya nito ang mga biktima na nasa lugar hanggang sa tamaan ng punglo sa dibdib ang biktima habang tinamaan din ng bala sa kanyang kamay ang kasamang dalaga.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na nagsipulasan ang mga suspect at agad na isinugod sa naturang pagamutan ang dalawang biktima.

vuukle comment

AIDREN TAYZON

BRYAN GONZALES

BULACAN

CHRISTOPHER RAYMUNDO

JEFFREY RAYMUNDO

OBANDO

PAG

PLARIDEL ST.

ROBERTO ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with