^

Metro

Ikinasa na sa Valenzuela: Biometric finger scan machine panlaban sa ghost employees

-
Hindi na makakalusot ang anumang plano ng bawat departamento sa Valenzuela City Hall na maglagay ng "ghost employees" dahil sa paglalagay ng biometric finger scan machine na siyang aktong magdedetermina sa nagmamay-ari ng identification card mula sa kawani na papasok sa nasabing lokal na pamahalaan.

Ayon kay Information Officer Mariter Menia, ang Valenzuela City government ang kauna-unahan sa mga lokal na pamahalaan na magpapatupad ng finger scan para sa lahat ng kanilang 3,000 regular at casual employees upang maiwasan ang pandaraya ng kanilang attendance at maiwasang makapasok ng ghost employees. Sa pamamagitan ng naturang sistema, bukod sa pagpapakita o pagsu-swipe ng ID ng bawat empleyado ay kailangang maitapat ang kanyang index finger o thumb sa machine upang ma-scan kung talagang siya ang nagmamay-ari ng ID.

Sa lumang sistema, nabatid na ang mga empleyado ay gumagamit ng daily time record na ipinapasok lamang sa bundy clock saka nilalagdaan kada araw ng kanyang supervisor at ang ibang lokal na pamahalaan ay isinusulat lamang. Mula sa printed record na lumabas sa machine ay diretso sa computer data na aaprubahan ng immediate supervisor at saka tutuloy sa accounting head na siyang naatasang magberipika ng sahod sa mga empleyado.

Ayon naman kay Valenzuela Mayor Sherwin Gatchalian, nakatitiyak siya na 100 porsyento na walang ghost employee sa kanyang termino dahil na rin sa pagiging epektibo sa pag-iimplementa ng naturang finger scanning system. Sinabi pa ni Gatchalian na ang pilot ng finger scanning ay nagsimula nitong Disyembre 2005 subalit ang full implementation ay ginawa nitong Hulyo 2006. Nabatid na may 8 finger scanner ang ngayo’y gumagana sa Valenzuela City Hall. (Ellen Fernando)

AYON

DISYEMBRE

ELLEN FERNANDO

FINGER

GATCHALIAN

HULYO

INFORMATION OFFICER MARITER MENIA

VALENZUELA CITY

VALENZUELA CITY HALL

VALENZUELA MAYOR SHERWIN GATCHALIAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with