^

Metro

Walang Piyansang Inirekomenda: 10 pulis dawit sa kidnap, kinasuhan

-
Sinampahan na kahapon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng kasong kriminal ang sampung scalawags na parak at anim na sibilyan na nahuli sa kasong kidnapping , extortion at ilegal na pag-iingat ng droga matapos masakote ang mga ito sa isinagawang operasyon sa Quezon City noong Miyerkules ng gabi.

Ayon kay PDEA Director for Operations Chief Supt. Rodolfo Caisip, ipinagharap nila ng kasong illegal possession of firearms, kidnapping, illegal possession of drugs at usurpation of authority sa sala ni Judge Ferdinand Baylon ng Quezon City Prosecutor’s Office ang mga suspect na sina Insp. Nathaniel Capitana, PO3 Dan Firmalino, PO2 Jose Garcia at PO1 Nelson Mariano; mga dating tauhan ng PDEA; Sr. Insp. Bienvenido Reydado, Sr. Insp. Gilbert Fariñas, Insp. Marco Polo Estreta, PO2 Alexander Alvarez, PO2 Jun Jun Mataverde, PO1 Richard Villanueva; pawang tauhan ng PNP-AIDSOTF.

Ang nasabing mga pulis ay nasakote sa panulukan ng Banawe at Maria Clara St. dakong alas -11:55 ng gabi noong Miyerkules.

Bagama’t iginigiit ng mga nailigtas na anim na sibilyan na diumano’y hinulidap lamang sila ng sampung pulis ay kasama rin ang mga ito sa kinasuhan ng illegal drugs possession dahilan kailangan umanong patunayan sa korte na hindi nila pag-aari ang drogang nasamsam na sinasabi ng mga pulis na sa anim na sibilyan na kanilang hinuli.

Samantala nagharap rin ng counter charges sa Police Anti-Crime Emergency Response (PACER) laban sa sampung pulis ang anim na sibilyang sina Edgar Parce, Trivor Woodard, Robert Antonio, Mario David, Joel David at Danilo Gabriel kaugnay naman ng kasong kidnapping at extortion.

Wala namang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng mga suspect. Nabatid na hindi dinala sa himpilan ng pulisya ng maaresto sa diumano’y drug operation sa Pampanga ang anim na sibilyan na tinangka pang kotongan ng nabanggit na mga pulis.

Samantala , sa likod ng nasabing kontrobersya ay ipinag-utos na ni PNP Chief Director General Oscar Calderon ang pagbuo ng Fact Finding Board sa ilalim ni PNP-Directorate for Investigative and Detective Management (PNP-DIDM) Chief Director Marcelo Ele Jr . upang magsagawa ng masusing imbestigasyon sa mga aktibidades ng mga police anti-narcotics operatives na pinaghihinalaang sangkot sa kriminal na aktibidades. Ang naturang probe body ay pamumunuan naman ni Sr. Supt. Theresa An. (Joy Cantos at Doris Franche)

ALEXANDER ALVAREZ

BIENVENIDO REYDADO

CHIEF DIRECTOR GENERAL OSCAR CALDERON

CHIEF DIRECTOR MARCELO ELE JR

DAN FIRMALINO

DANILO GABRIEL

DORIS FRANCHE

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

SR. INSP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with