^

Metro

Parak, misis dedo sa ambush

-
Kapwa patay ang isang kagawad ng Quezon City Police District (QCPD) at asawa nito nang tambangan at pagbabarilin ng dalawang lalaki habang sakay ng scooter ang mga biktima papauwi sa kanilang bahay sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang nasawing pulis na si SPO2 Alfredo Calunzo, 51 at misis nitong si Feliza, kapwa nakatira sa Phase 9 Package 7, Block 4, Lot 49 ng Bagong Silang, Caloocan City. Ang mag-asawang Calunzo ay kapwa idineklarang dead-on-arrival (DOA) sa Nodados Hospital sanhi ng maraming tama ng punglo na tinamo sa katawan.

Ayon sa ulat, dakong alas-6 ng gabi papauwi na sa kanilang bahay ang mag-asawa lulan sa isang scooter at habang dumadaan sa may Phase 4 ay biglang sumulpot ang dalawang lalaki na armado ng mga baril.

Walang sabi-sabing pinaulanan ng bala ng baril ang mag-asawa at saka mabilis na tumakas.

Masusi namang tinitingnan ng pulisya kung ano ang motibo sa isinagawang pagpaslang sa mag-asawa kasabay ng isinasagawang manhunt operation laban sa mga suspect. (Ellen Fernando)
vuukle comment

ALFREDO CALUNZO

AYON

BAGONG SILANG

CALOOCAN CITY

CALUNZO

ELLEN FERNANDO

FELIZA

KAPWA

NODADOS HOSPITAL

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with