Package na may lamang bomba, natagpuan
October 19, 2006 | 12:00am
Isang package na sinasabing naglalaman ng mga pampasabog na posibleng kumitil ng maraming buhay ang natagpuan kahapon sa lungsod ng Taguig.
Dakong alas-8:30 ng umaga nakatanggap ng tawag sa telepono ang Tactical Operation Center (TOC) ng Taguig City Police mula sa isang Ciriaco Benosa Jr., 35, isang negosyante, na isang kaduda-dudang package ang nakita sa delivery truck ng kanilang mga softdrinks sa 34 Sambong St., Barangay Western Bicutan, Taguig City.
Kaagad na rumesponde ang mga pulis at nang kanilang berepikahin, positibong isang uri ng pampasabog ang laman ng package. Ito ay ang mga sumusunod, dalawang pirasong TNT block, 1 pirasong smoke grenade, 7 pirasong mga bala mula sa ibat-ibang kalibre ng baril at 35 pirasong spent shells mula pa rin sa ibat ibang kalibre ng baril.
Natagpuan din dito ang ibat ibang ID, na nagngangalang Kendato Sailila, kung saan nagsasagawa pa ng berepikasyon hinggil dito.
Mabuti na lamang umano at agad na natuklasan ang mga bomba at napigilan ang posibleng pagsabog nito sa naturang lugar, na maaaring kumitil ng maraming buhay. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended