^

Metro

3 miyembro ng sindikato sa pekeng dolyar, arestado

-
Tatlong pinaniniwalaang miyembro ng isang sindikato na gumagawa at nagpapakalat ng pekeng dolyares at tseke ang dinakip ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Malate, Maynila.

Nakilala ang mga suspect na sina Randy Lanuza, 43, ng Sta. Ana, Maynila; Peter Bomediano, 62, ng Muntinlupa at Natividad Castillo, 60 ng Cabanatuan City.

Sa ulat ng CIDG-Manila, nakatanggap sila ng impormasyon buhat kay Arnel Carino na nabiktima ng mga suspect na nagbebenta ng dolyares at travellers cheque sa lungsod.

Dakong alas-5 ng umaga nang magsagawa ng operasyon ang mga operatiba sa may Rajah Sulaiman Park sa Malate sanhi ng pagkakadakip ng tatlong suspect na naaktuhan ang ginagawang pag-aalok ng mga pekeng dolyares kapalit ng mababang halaga sa Peso.

Isinasailalim na ngayon ng pulisya na masusing imbestigahan ang mga suspect upang mabatid kung saan nila kinukuha o ginagawa ang mga pekeng dolyares at tseke at madakip ang mga posibleng kasabwat. (Danilo Garcia)

ARNEL CARINO

CABANATUAN CITY

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DANILO GARCIA

MAYNILA

NATIVIDAD CASTILLO

PETER BOMEDIANO

RAJAH SULAIMAN PARK

RANDY LANUZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with