^

Metro

Taiwanese timbog sa mga pekeng barya

-
Umaabot sa P5 milyong halaga ng pekeng tig-P10 at P5 barya ang nakumpiska ng mga tauhan ng NBI sa isang Taiwanese na nadakip sa loob ng kanyang safehouse kamakalawa sa Valenzuela City.

Kinilala ni NBI Director Nestor Mantaring ang dayuhang suspect na si Yung Sung Liu, alyas "Asyong Lao", pansamantalang naninirahan sa #68 A. Marcelo St., Brgy. Dalandanan, Valenzuela City.

Nakumpiska sa posesyon nito ang 16 na karton na naglalaman ng 60 plastic bag na puno ng tig-P10 barya, isang karton na may 52 plastic bag na puno naman ng tig-5 barya, 27 sako ng blangkong barya at 60 piraso ng "deformed" na P10 barya.

Sa ulat ng NBI-Field Operations Division, nakatanggap sila ng impormasyon ukol sa isang Asyong na nagbebenta at nagpapakalat ng mga pekeng barya sa Valenzuela. Nakumpirma na peke nga ito nang isailalim sa pagsusuri ng NBI ang mga sampol na barya na nakuha buhat sa suspect kung saan kumakagat ito sa magnet habang ang tunay na pera ay hindi.

Sinalakay ng mga tauhan ng NBI kasama ang ilang kinatawan ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang bahay ng suspect sa bisa ng search warrant. (Danilo Garcia)

ASYONG

ASYONG LAO

BANGKO SENTRAL

BARYA

DANILO GARCIA

DIRECTOR NESTOR MANTARING

FIELD OPERATIONS DIVISION

MARCELO ST.

VALENZUELA CITY

YUNG SUNG LIU

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with