Echiverri susunod na
October 19, 2006 | 12:00am
Malamang na sumunod na masuspinde si Caloocan City Mayor Enrico "Recom" Echiverri gaya nang ipinataw kina Pasay City Peewee Trinidad at Makati City Mayor Jejomar Binay.
Ito ay kaugnay sa naging pahayag ni DILG Secretary Ronaldo Puno na naisagawa na rin nila ang kanilang imbestigasyon laban kay Echiverri at naipasa na nila ang rekomendasyon sa Office of the President. Hinihintay na lamang nila ang magiging rekomendasyon ukol dito ng Malacañang.
Inamin ni Puno sa isang television interview na panghuli si Echiverri sa talaan na iniimbestigahan ng DILG kaugnay sa kasong administratibo na inihain laban sa alkalde ng Jadewell Parking Corporation na pumasok ang kontrata ng termino ni dating Caloocan City Mayor Reynaldo Malonzo. Abuse of authority ang kasong kinakaharap nito sa DILG.
Kaugnay nito, umalma naman si Echiverri at sinabi nitong walang sapat na dahilan kung tungkol sa nasabing isyu ang magiging basehan ng kanyang posibleng suspensyon.
Handa aniya siya sa anumang imbestigasyon kapag may kasong naihain laban sa kanya sa korte o anumang ahensiya ng gobyerno.
Iginiit ni Echiverri na matagal nang patay na isyu ang kaso ng Jadewell Parking Corp. Nabatid na ang Jadewell Parking ay nangangasiwa sa mga parking at towing sa nasabing lungsod na pumasok sa kontrata nito sa pagitan ni dating Mayor Malonzo. Dahil umano sa maraming reklamo ng mga residente nang pumalit na si Echiverri bilang alkalde ay agad na inaksiyunan ang usapin ng City Council.
Nagpalabas ng resolusyon ang Konseho na nagpapatigil sa kontrata ng Jadewell Parking na siyang ipinatupad ni Echiverri. Pero umalma ang Jadewell dahil hindi pa tapos ang kontrata.
Bukod naman sa kasong administratibo na ito, nabatid na may nakasampa pang mga kasong kriminal si Echiverri sa tanggapan ng Ombudsman. (Ellen Fernando at may dagdag na ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended