^

Metro

2 malls sa QC, target ng terorista

-
Dalawang malaking mall sa Quezon City ang target pasabugin ng bagong grupong Abu Sofia.

Ito ang nakuhang impormasyon  mula sa isang mapagkakatiwalaang opisyal sa  Quezon City Police District Headquarters na nakabase sa Camp Karingal, Sikatuna Village  sa Quezon City.

Sinabi ng opisyal na ang grupo ay nagpadala na ng siyam na miyembro nito na maghahasik ng karahasan na pawang mga  dating miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at sumailalim ang mga ito ng matinding pagsasanay partikular na ang paggawa at pagtatanim ng bomba.

Lumilitaw na ang Sofia group ay pinamumunuan naman ng isang dating close-in aide ng namatay na si  Hashim Salamat, isa sa dating lider ng Abu Sayyaf Group, isa ring local terrorist group na sinusuportahan ng Al Qaeda na pinamumunuan ni Osama Bin Laden.

Samantala, ayon pa sa opisyal, tukoy na ng QCPD ang magkakahiwalay na pinaglulunggaan ng  siyam na terorista at patuloy na minamanmanan ang mga ikinikilos ng mga ito. Ilan sa lugar na under surveillance ay ang Muslim area sa lungsod – Culiat, Tandang Sora at Barangay Payatas.

Gayunman, ayon sa opisyal bukod sa pagsusubaybay sa mga ikinikilos ng siyam ay nagpakalat na rin ang QCPD ng mga nakasibilyang operatiba sa lahat ng mall sa lungsod

Nanawagan naman ang opisyal sa publiko na maging  maingat sa mga taong nakakasalamuha at agad na makipag-ugnayan kung sakaling may kakaibang ikinikilos ang kanilang mga kausap at kakilala.

Kaugnay pa rin nito, inilagay na sa full alert ang 17,000 puwersa ng NCRPO dahil sa banta ng terorismo. Nagdagdag na rin ng personnel para magbantay sa mga pangunahing instalasyon ng gobyerno. (Doris Franche at may dagdag na ulat ni Joy Cantos)

ABU SAYYAF GROUP

ABU SOFIA

AL QAEDA

BARANGAY PAYATAS

CAMP KARINGAL

DORIS FRANCHE

HASHIM SALAMAT

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with