2 katao nagbigti
October 16, 2006 | 12:00am
Malalimang imbestigasyon ngayon ang isinasagawa ng Quezon City Police District-Criminal Investigation Division (QCPD-CID) kaugnay ng pagkakatagpo ng dalawang katao na nakabigti na kinabibilangan ng isang purchasing officer sa magkahiwalay na insidente sa Quezon City.
Dakong alas-11 kahapon ng umaga nang matagpuang nakabigti ng nylon cord sa puno ng kalachuchi sa bakanteng lote sa Matalino St. Brgy. Central si Rommel Rapilo, 14 habang dakong alas-9 naman ng umaga nakita ang bangkay ni Alvin de Leon, 29, purchasing officer ng System XI ng no. 15 Unang Hakbang Galas, Quezon City.
Sa ulat ni PO3 Jimmy Jimena, unang nakitang pagala-gala ang biktimang si Rapilo at namumulot ng basura hanggang sa makita na lamang itong nakabigti sa puno.
Sinabi naman ni PO2 Pascual Fabre, na ang bangkay ni de Leon ay nakita ng bayaw nitong si Fernando Gotengco na nakasabit sa ilalim ng hagdan. Nakuha din ang isang suicide note sa bulsa ng damit ng biktima kung saan nakasaad dito na sarili niyang desisyon ang pagpapatiwakal.
Nabatid na minsan na ring nagtangkang magpakamatay si de Leon sa pamamagitan ng pag-inom ng softdrinks na may watusi. Sa kabila nito, magsasagawa pa rin ng pagsisiyasat ang pulisya upang malaman kung may foul play sa nasabing mga insidente. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest