^

Metro

Saleslady, kinatay sa loob ng stockroom

-
Palaisipan sa pulisya ang pagkamatay ng isang saleslady nang matagpuan ang bangkay nito sa loob ng stockroom ng isang boutique kamakalawa ng gabi sa Malate, Maynila.

Saksak sa baba at dibdib ang sanhi ng kamatayan ng biktimang si Lourdes Ramos, 51, ng no. 3664 Bautista St. Palanan, Makati City at empleyado ng Drezec Boutique sa loob ng Harrison Plaza Mall.

Lumilitaw na nagsasagawa ng inspeksiyon dakong ala-8:45 ng gabi ang guwardiyang si Domingo Fernandez nang mapansin niya ang tumutulong dugo mula sa stockroom.

Minabuti ni Fernandez na tignan ang loob ng stockroom at laking gulat niya nang makita ang bangkay ng biktima at ang balisong na pinaniniwalaang ginamit ng mga hindi pa nakikilalang mga suspect.

Huling nakita ang biktima na nagbabantay sa harap ng boutique.

Ayon sa pulisya, posibleng saksi sa isang nakawan ang biktima kung kaya’t pinaslang ng mga suspect upang hindi na tumestigo pa. Gayunman, ipatatawag din ng pulisya ang lahat ng mga tauhan ng naturang boutique upang isailalim sa nasabing imbestigasyon. (Danilo Garcia)

vuukle comment

AYON

BAUTISTA ST. PALANAN

DANILO GARCIA

DOMINGO FERNANDEZ

DREZEC BOUTIQUE

FERNANDEZ

GAYUNMAN

HARRISON PLAZA MALL

LOURDES RAMOS

MAKATI CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with