Gayunman, nilinaw ng LTFRB na ang mabibiyayaan lamang ng prangkisa ay ang mga bagong taxi na gumagamit lamang ng LPG. Wala namang malinaw na pahayag si Bautista kung bakit iniindorso nito ang paggamit ng mga taxi units ng LPG at nagsabi lamang na hindi niya bibigyan ng bagong prangkisa ang mga taxi na gamit ay gasolina.
Sa ngayon, umaabot sa P23 ang halaga ng LPG kada litro na mas mababa kaysa sa P38 per liter ang halaga ng gasolina.
Aabutin naman ng P30,000 hanggang P40,000 ang halaga ng gastos kapag nai-convert ang taxi unit na gamit ay gasolina para gawing LPG-fed taxi.
Kinukuwestiyon naman ng Association of Tax Operators in Metro Manila (ATOMM) kung bakit LPG-fed lamang ang bibigyan nito ng bagong franchise gayung gagastos pa sila ng malaking halaga ng salapi kung iko-convert na LPG ang gagamitin ng taxi sa pamamasada.
"Dapat, kung magbubukas siya ng linya, yung para sa lahat, walang pipiliin at hindi na kami magkakaroon pa ng dagdag na gastos," pahayag ni Leonora Naval, Pangulo ng ATOMM. (Angie dela Cruz)