^

Metro

Pick-up girl kinatay ng kostumer

-
Pinagtataga hanggang sa mapatay ng isang lalaki na umano’y wanted din sa pagpatay ang isang 18-anyos na umano’y pick-up girl matapos na magtalo ang dalawa nang kulang ang ibinayad ng huli sa biktima habang nasa loob ng isang motel sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Namatay noon din ang biktimang kinilalang si Rosenda Baloloy ng Brgy. Lingunan, Valenzuela City dahil sa tinamong tama ng itak sa kaliwang dibdib at tiyan.

Ang biktima ay natagpuang nakahandusay at duguan sa loob ng comfort room ng Room #2 sa Clover Inn na matatagpuan sa 383 EDSA Balintawak, Caloocan City.

Agad namang naaresto ng mga nagrespondeng tanod ng Brgy. 139 ang suspect na si Rudy Columbres, 36, may-asawa, construction worker at nakatira sa Hernandez St., Catmon, Malabon City.

Sa isinagawang pagsisiyasat, dakong ala-10:45 ng gabi nang matagpuan ang biktima na wala nang buhay. Nabatid na nag-check-in ang dalawa sa naturang motel dakong alas-10 ng gabi at ilang minuto lamang ang nakalipas ay narinig na lamang na nagsisisigaw ang babae.

Dahil dito, agad na pinuntahan ng isang bouncer/checker ng motel na si Roque Solo kasama ang dalawa pang room boy ang kuwarto kung saan narinig ang sigaw ng biktima.

Mabilis namang tumakas papalabas ng motel ang suspect kasabay sa pagkakadiskubre sa bangkay ng babae. Agad na humingi ng tulong ang mga kawani ng motel sa mga tanod sa naturang barangay kung saan naabutan at nasukol ang nasabing suspect na lasing pa.

Sa inisyal na pagsisiyasat, nabatid na nagtalo ang biktima at suspect nang magbigay lamang ng P450 ang huli kung saan hindi pumayag ang biktima dahil wala pang bayad ang kanilang renta sa motel. Inakala ng suspect na P450 lamang ang bayad sa babae at sa motel kaya nairita ito dahil sa P530 lamang ang dalang pera at wala nang matitirang pamasahe nito.

Nagtalo ang dalawa hanggang sa ilabas ng suspect ang dala nitong bolo na may habang 14.5 pulgada. Mabilis na tumakbo ang biktima sa CR nang makita ang itak subalit nang maabutan ng suspect ay sunud-sunod nitong inundayan ng taga at saksak ang babae.

Bukod sa nasabing pamamaslang sa biktima, napag-alaman ng pulisya na nakapatay pa ang suspect sa Aklan na ngayo’y wanted sa nasabing lalawigan. (Ellen Fernando)

vuukle comment

BIKTIMA

BRGY

CALOOCAN CITY

CLOVER INN

ELLEN FERNANDO

HERNANDEZ ST.

MABILIS

MALABON CITY

MOTEL

SUSPECT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with