DOH nagsisiyasat: 7 baby sunud-sunod natodas sa ospital
October 13, 2006 | 12:00am
Pitong bagong silang na sanggol sa Rizal Medical Center (RMC) sa Pasig City ang isa-isang nasawi matapos na tamaan ang mga ito ng impeksyon na tinatawag na "neo- natal sepsis", na nakukuha ng mga bagong panganak na sanggol.
Ang pitong biktima ay mula sa 28 bagong panganak na sanggol na isinilang sa nasabing ospital noong Oktubre 4 ng taong ito.
Dahil sa pangyayari ay nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang Department of Health (DOH) kung sino ang dapat managot sa pangyayari.
Sa panayam kahapon kay Janice Dela Cruz 23, residente ng Brgy.Plainview Additionhills, Mandaluyong City, isa sa pitong nanay na namatayan ng anak na isinilang niya ang sanay panganay niyang anak noong Oktubre 4 dakong alas-11 ng umaga at lumabas siya ng ospital makalipas ang dalawang araw subalit napansin niyang may lagnat ang kanyang baby kaya ipinasya nitong ibalik sa nasabing ospital ang anak at ikinagulat nito na may iba pang nanay na ibinalik ang kanilang mga anak na parehong may mga lagnat din.
Kinabukasan ay namatay na ang kanyang anak habang isa-isa pang nasawi ang anim pa at nakumpirma na sepsis ang ikinamatay ng mga ito.
Dahil sa pagkawala ng kanyang sanggol ay nais ni Dela Cruz na magsampa ng demanda laban sa pamunuan ng ospital upang hindi na maulit ang pangyayari.
"Gusto kong mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng anak ko, gayundin sa iba pang batang nasawi," pahayag ni Dela Cruz.
Ang sepsis ay isang impeksyon sa dugo na maaaring pumasok sa katawan ng bagong panganak na sanggol at dahil hindi pa fully developed ang immune system kaya hindi pa nito kayang lumaban na maaaring humantong sa kamatayan.
Ang nasabing impeksyon ay kadalasang nakukuha sa maruming paligid na maaaring dala ng hangin.
Samantala, sa panayam naman kay Dr. Winston Go, Medical Center Chief II ng RMC na baka umano hindi na-sterilize ang mga kinailangang gamit sa pagpapaanak subalit agad din naman nitong binawi na lagi naman sila umanong nag-i-sterilize ng mga gamit.
Itinuloy pa ni Go ang paghuhugas-kamay sa pangyayari at sinabing wala umano silang pagkukulang at sinisi pa nito ang kakatapos na bagyong Milenyo dahil wala pa rin silang ilaw noong Oktubre 4 subalit inamin din nito na mayroon silang dalawang generator.
Dagdag pa nito na maaari ring dala ng mga magulang ang nasabing impeksyon sa pagpasok sa kanilang ospital.
Humingi din ng paumanhin si Go sa lahat ng mga magulang ng nasawing sanggol dahil sa hindi naman umano kagustuhan ng pagamutan ang nangyari at batid nila na ginawa nila ang lahat ng paraan upang maiwasan ang pagdapo ng impeksiyon sa kanilang mga pasyente.
Sa kasalukuyan ay isinara muna ng Department of Health (DOH) ang neonatal intensive care unit habang isinasagawa ang "decontamination" at hindi pa maaaring tumanggap ng mga pasyente.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended