Empleyado ng Civil Registrar Office, timbog sa pamemeke ng mga dokumento
October 12, 2006 | 12:00am
Naaresto ng mga tauhan ng Manila City Hall-Special Operations Group ang isang empleyado ng Civil Registrar Office dahil sa pamemeke ng mga marriage at birth certificate sa isinagawang operasyon kahapon sa loob mismo ng nasabing tanggapan.
Kinilala ang dinakip na suspect na si Maripaz Cano, 34, ng Block 31, Lot 35, Harmony Hills II, Loma de Gato, Marilao, Bulacan dahil sa dalawang kaso ng falsification of public documents na isinampa ng hepe ng Manila Civil Registrars na si Atty. Gloria Pagdilao.
Ayon sa ulat, dakong ala-1 ng hapon ng arestuhin si Cano sa loob ng opisina nito base na rin sa warrant of arrest na ipinalabas ni RTC branch 33 Judge Reynaldo Ros, matapos itong ireklamo ng pamemeke ng mga dokumento. Nabatid na nakuhanan si Cano ng bultu-bultong pekeng dokumento sa loob ng kanyang drawer na siyang malaking ebidensiya laban dito.
Napag-alaman na ang modus operandi ni Cano ay ang mag-alok sa sinumang nais na makakuha ng mablisang birth certificate, marriage contract at iba pang mahahalagang dokumento na nagkakahalaga ng mula P5000 pataas. Bukod dito, pinepeke rin ni Cano ang pagalan, lugar o petsa ng kapanganakan gamit ang mga orihinal na dokuemtno sa civil registrar.
Inaalam pa kung sinu-sino ang kasabwat ni Cano sa kanyang malawakang operasyon. (Gemma Amargo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended