^

Metro

Vendor swerte sa sugal, kinatay

-
Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang vendor ng isang barangay kagawad na umano’y napikon dahil sa tinalo silang mag-asawa sa sugal na pusoy ng una, kahapon ng madaling-araw sa Maynila.

Patay na nang idating sa Gat. Andres Bonifacio Hospital sanhi ng mga tinamong saksak sa katawan ang biktimang si Geraldo Oliba ng Gate 1, Area Bungad Islapo, Tondo, samantalang patuloy namang pinaghahanap ng pulisya ang suspect na nakilala lamang sa pangalang Jonjon de Guzman, Brgy. Kagawad sa Brgy. 29 Islapo ng nasabing lugar.

Lumalabas sa ulat ng Manila Police District (MPD) dakong ala-1 ng madaling- araw ng maganap ang insidente sa isang lamayan sa naturang lugar.

Nabatid na doon naglalaro ng pusoy ang nasawi kasama ang ilang kapitbahay at ang misis ng suspect.

Ilang sandali pa ay tumayo ang misis ng suspect dahil sa natalo na ito ng biktima. Pumalit dito ang suspect na nagsabing babawian niya ang biktima dahil malaki ang tinalo nito sa kanyang misis.

Pero patuloy pa rin ang pagpapanalo ng biktima na inalaska pa ang suspect dahilan upang magalit ito. Ilang sandali pa ay biglang tumayo si de Guzman at paulit-ulit na pinagsasaksak si Oliba. (Gemma Amargo Garcia)

ANDRES BONIFACIO HOSPITAL

AREA BUNGAD ISLAPO

BRGY

GEMMA AMARGO GARCIA

GERALDO OLIBA

GUZMAN

ILANG

ISLAPO

JONJON

MANILA POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with