^

Metro

Holdaper pinaligtas ng biniktima, pero di sa bala

-
Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng hindi pa nakikilalang mga suspect ang isang 17-anyos na holdaper na kalalabas pa lamang ng dentention cell, kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Namatay noon din ang biktimang si Leonardo Soriano, ng Sandem St., Brgy. Commonwealth ng nabanggit na lungsod matapos na magtamo ng anim na tama ng bala ng kalibre .45 baril sa ulo at katawan.

Base sa ulat ng Quezon City Scene of the Crime Operation (SOCO) naganap ang insidente dakong alas-12:25 ng madaling-araw sa may Riverside St., Brgy. Commonwealth.

Lumilitaw na bago ang insidente ng pamamaril ay dinakip sa kasong panghoholdap si Soriano ng Batasan Police ngunit pinalaya rin makaraang iurong ng complainant ang pagsasampa ng kaso laban dito.

Habang papauwi na si Soriano sakay ng tricycle ay hinarang ito ng mga suspect na nakasakay sa motorsiklo at kapwa naka-bonnet at saka walang sabi-sabing pinagbabaril ang una. Matapos na matiyak na patay na ang target ay mabilis na nagsitakas ang mga salarin.

Naniniwala ang pulisya na posibleng mga kasamahang holdaper ni Soriano ang bumaril dito na natatakot na ikanta sila ng huli kung kaya pinatahimik na ito.

Base sa rekord ng pulisya labas-masok na sa kulungan ang nasawi dahil din sa kasong panghoholdap. (Doris Franche)

vuukle comment

BATASAN POLICE

BRGY

DORIS FRANCHE

HABANG

LEONARDO SORIANO

QUEZON CITY

QUEZON CITY SCENE OF THE CRIME OPERATION

RIVERSIDE ST.

SANDEM ST.

SORIANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with