Baril na nakapatay kay Lagman at Glean, iisa lang
October 11, 2006 | 12:00am
Iisa lamang ang baril na ginamit sa pagpatay sa chief security ni Makati City Mayor Jejomar Binay noong nakaraang buwan at sa itinumbang si labor leader Filemon "Popoy" Lagman noong 2001, ayon sa PNP-Crime laboratory kahapon. Dahil dito, ayon sa mga opisyal ng PNP ay posibleng kagagawan din ng mga rebeldeng New Peoples Army ang pagpatay kay Pablo Glean, aide ni Binay na tinambangan sa Taguig City.
Sinabi ni DIDM director Chief Marcelo Ele Jr. na base sa resulta ng pagsusuri ay natumbok na ang mga rebeldeng NPA na may dating kaugnayan kay Lagman may limang taon na ang nakalilipas din ang responsable sa pagpatay kay Glean. Gayunman, patuloy ang operasyon ng pulisya upang madakip ang gunman ng dalawang biktima.
Si Glean ay inambus at napatay sa Taguig City noong nakalipas na Setyembre 16. Ang biktima ay dating pinuno ng Makati City Business Permits and Licenses Office at dati ring Army captain.
Samantala, iginigiit naman ni Mayor Binay na ang pagpaslang kay Glean ay pulitika ang motibo na isang hudyat na posibleng siya naman ang isunod na target. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended