Murder vs parak nakapatay ng preso
October 11, 2006 | 12:00am
Kasong murder ang isinampa ng Caloocan police laban sa isang jailguard na nakabaril at nakapatay sa isang suspect sa panghoholdap at pagpatay kay RPN-9 cameraman Ralph Ruñez matapos na lumabas na hindi aksidente ang pangyayari sa loob ng Caloocan City Jail noong Sabado.
Sinabi ni Sr. Supt. Napoleon Cuaton, na matibay ang mga nakalap nilang ebidensiya na magdidiin kay JO2 Ricardo Zulueta, 25, ng Manggahan, Commonwealth, QC, na siyang pumatay kay Ernani Magnayon, 29. Ayon kay Cuaton, walang aksidenteng nangyari kundi sinadyang paslangin si Magnayon ni Zulueta na isagawa ang krimen bago ito humarap sa pagdinig para sa Ruñez slay case sa Caloocan City RTC Branch 128.
Napag-alamang si Zulueta ay hindi talaga nakatalaga sa naturang jail kundi naka-assign sa Dept. of Interior and Local Government (DILG).
Kamakalawa ay isinagawa ang re-enactment sa administration office ng Caloocan City Jail kung saan naganap ang krimen at dito lumabas na walang aksidenteng naganap sa pagkasawi ni Magnayon.
Iginiit ni Cuaton na hindi tumutugma ang posisyon ng katawan ng jail officer habang nakahiga ito at itinatago ang baril sa kanyang unan kung saan kasabay na minamasahe ni Magnayon para masabing biglang pumutok ang .9mm pistola na service firearm nito.
Inamin pa ng opisyal na maging ang kanyang mga tauhan ay nahirapan sa posisyong sinasabi ni Zulueta kaya pinaniniwalaan nilang nagsisinungaling ito nang sabihing aksidente ang pagkakatama sa mukha ng punglo ni Magnayon sanhi ng agaran nitong kamatayan. Kahina-hinala rin kung bakit nakagamit si Zulueta ng quarters ng opisyal na si Capt. Richard Servano, administration chief, gayong hindi naman ito nakatalaga sa naturang piitan.
Iniimbestigahan pa ng Caloocan police ang ilang jail officers sa nasabing piitan na posibleng kasabwat sa krimen. (Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended