Trahedya sa SLEX: 1 patay, 4 sugatan
October 11, 2006 | 12:00am
Isa ang patay, habang apat pa ang sugatan matapos na salpukin ng isang Toyota Fortuner ang isang Isuzu Trooper hanggang sa mahulog ang huli mula sa itaas ng Skyway at bumagsak pa sa isang pampasaherong jeep na nasa ibaba, kahapon ng hapon sa kahabaan ng South-bound ng South Luzon Expressway sa Pasay City.
Patay na nang idating sa Villamor Air Base Hospital ang biktimang si Abner Ditaunal, 20, na nadurog ang ulo.
Nakilala naman ang mga sugatan na sina Randy Danlag, 25; Roldan Garcia; Imelda Garcia at Marcelino Tolentino, driver ng jeep.
Sa imbestigasyon ng TMG, naganap ang insidente dakong ala-1:50 ng hapon sa ibabaw ng Skyway sa kahabaan ng SLEX sa may harap ng Villamor Air Base.
Nabatid na isang Toyota Fortuner na may plakang ZBH-895 mula sa Buendia ang nawalan ng kontrol hanggang salpukin nito ang isang Isuzu Trooper na may plakang XDX-431 na minamaneho ni Danlag. Dahil sa lakas ng bangga, tuluyang lumipad buhat sa itaas ng Skyway ang Trooper at bumagsak sa ibaba at tiyempong bumagsak sa isang dumadaang pampasaherong jeep.
Halos mapipi ang jeep, na rito nakasakay ang nasawing si Ditaunal.
Nabatid na matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko ang dinanas ng mga motorista sa SLEX dahil sa insidente. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest