Lab equipment sa mga barangay sa Quezon City
October 10, 2006 | 12:00am
Iminungkahi ng Quezon City Health Department at Environmental Protection and Waste Management kay Quezon City Mayor Feliciano "Sonny" Belmonte ang paglalagay ng mga laboratory equipment sa may 142 barangay health centers sa lungsod.
Ayon kay Dra. Antonieta Enumerable, head ng city health department, ang mga naturang lab equipment ay magagamit upang agad matuklasan ang mga uri ng sakit na posibleng tumama sa mga barangay sa lungsod para sa mabilis na pagpuksa sa sakit bago pa man ito kumalat at lumala.
Malaking tulong aniya ang microscopic equipment na siyang maaaring mag-detect ng sakit upang makaiwas sa tiyak na kamatayan ang mga pasyenteng hindi batid na dinapuan na pala ng dengue o iba pang nakamamatay na sakit. (Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest