Patay na nang idating sa Diosdado Macapagal Memorial Medical Center ang biktima na si Froilan Apolonio, 61, may-sawa at nakatira sa Tulia-ali, Kaunlaran Village, ng nasabing lugar bunga ng isang tama ng punglo sa ulo ng di pa mabatid na kalibre ng baril.
Sa imbestigasyon ni PO3 Carlos Almario, may hawak ng kaso, dakong alas-6 ng gabi habang pababa na sa kanyang Mitsubishi Pajero na may plakang XSC-145 ang biktima matapos na i-park ito sa tapat ng kanyang bahay nang biglang sumulpot ang isang lalaki at walang sabi-sabing binaril ito sa mukha.
Matapos na bumulagta ang biktima ay naglakad papalayo ang suspect sa Lapu-Lapu Avenue at pagsapit sa Libis Espina St. ay sumakay ito sa isang nag-aantay na multi-cab sakay ng isang di kilalang lalaki.
Mabilis na pinaharurot ng dalawang suspect ang kanilang get-away vehicle sa direksyon patungong Malabon.
Nagsasagawa pa ng follow-up investigation ang pulisya upang mabatid ang motibo sa pamamaslang na posibleng may kinalaman sa negosyo. (Ellen Fernando)