^

Metro

Trader nilikida sa Caloocan

-
Isang negosyante ang nasawi matapos na barilin sa ulo ng isa sa dalawang lalaki habang pababa sa kanyang sasakyan kamakalawa ng gabi sa Dagat-dagatan, Caloocan City.

Patay na nang idating sa Diosdado Macapagal Memorial Medical Center ang biktima na si Froilan Apolonio, 61, may-sawa at nakatira sa Tulia-ali, Kaunlaran Village, ng nasabing lugar bunga ng isang tama ng punglo sa ulo ng ‘di pa mabatid na kalibre ng baril.

Sa imbestigasyon ni PO3 Carlos Almario, may hawak ng kaso, dakong alas-6 ng gabi habang pababa na sa kanyang Mitsubishi Pajero na may plakang XSC-145 ang biktima matapos na i-park ito sa tapat ng kanyang bahay nang biglang sumulpot ang isang lalaki at walang sabi-sabing binaril ito sa mukha.

Matapos na bumulagta ang biktima ay naglakad papalayo ang suspect sa Lapu-Lapu Avenue at pagsapit sa Libis Espina St. ay sumakay ito sa isang nag-aantay na multi-cab sakay ng isang ’di kilalang lalaki.

Mabilis na pinaharurot ng dalawang suspect ang kanilang get-away vehicle sa direksyon patungong Malabon.

Nagsasagawa pa ng follow-up investigation ang pulisya upang mabatid ang motibo sa pamamaslang na posibleng may kinalaman sa negosyo. (Ellen Fernando)

CALOOCAN CITY

CARLOS ALMARIO

DAGAT

DIOSDADO MACAPAGAL MEMORIAL MEDICAL CENTER

ELLEN FERNANDO

FROILAN APOLONIO

KAUNLARAN VILLAGE

LAPU-LAPU AVENUE

LIBIS ESPINA ST.

MITSUBISHI PAJERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with