^

Metro

‘Obstruction of justice’ vs 3 BJMP officials

-
Nahaharap sa kasong "obstruction of justice" ang tatlong opisyales ng Caloocan City Jail na nasa ilalim ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) dahil sa ginawang pag-antala at pagharang ng mga ito sa isinasagawang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa pagkasawi ng isang inmate na kabilang sa apat na suspect sa pagpatay kay RPN-9 cameraman Ralph Ruñez.

Ayon kay Northern Police District (NPD) Director Chief Supt. Leopoldo Bataoil, sasampahan nila ng kasong kriminal sina Supt. Emilio Culang, jail warden, Sr. Insp. Roniel Propera, officer of the day at Insp. Richard Servano, administration chief na siyang mga nakatalaga nang harangin ang mga pulis-Caloocan na nag-iimbestiga sa pagkamatay ng preso na si Ernani Magnayon.

Nabatid na halos umabot sa dalawang oras ang pinag-antay ng mga tauhan ni Supt. Nap Cuaton, hepe ng Caloocan Police Criminal Investigation and Management Bureau sa loob ng jail at restricted sila sa mga tanggapan dito bago ang limitadong pag-iimbestiga sa lugar kung saan tinamaan ng punglo sa ulo si Magnayon buhat sa kalibre .9mm pistola ng jailguard na si JO2 Ricardo Zulueta matapos na magpamasahe umano ang huli.

Bagama’t iginiit ni Zulueta na aksidente lamang ang nangyari, malakas naman ang hinala ng pulisya na posibleng may "foul play" sa insidente dahil sa pagkakasangkot pa ng dalawang pulis na sina Insp. Bryan Limbo, hepe ng Police Community Precinct 9 ng Caloocan Sub-Station 3 at PO3 Aristotle de Guzman sa pagpatay kay Ruñez. Bukod dito, tinangka ring itumba ang isa pang suspect na si Charles Alarce matapos na ikanta nito si Limbo at de Guzman na utak sa pagpatay kay Ruñez.

Sinabi ni Bataoil, iniutos na ng Caloocan City Regional Trial Court Branch 128 na imbestigahan ang pagkasawi ni Magnayon na nakatakda sanang dumalo sa pagdinig ng Ruñez slay case kahapon.

Inaprubahan ng korte ang kahilingan ng pulisya na makapagsagawa ng malayang imbestigasyon at makakalap ng maraming impormasyon sa loob ng jail.

Dahil sa kautusan ng korte, agad na tumungo ang grupo ni Cuaton sa piitan upang magsagawa ng re-enactment sa pinangyarihan ng insidente para maistablisa ang tunay na nangyari. (Ellen Fernando)

BRYAN LIMBO

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

CALOOCAN CITY JAIL

CALOOCAN CITY REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

CALOOCAN POLICE CRIMINAL INVESTIGATION AND MANAGEMENT BUREAU

CALOOCAN SUB-STATION

CHARLES ALARCE

DIRECTOR CHIEF SUPT

ELLEN FERNANDO

RU

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with