^

Metro

Sa nabaril at napatay na preso...: Warden sinibak

- Ni Ellen Fernando -
Dahil sa umano’y kapabayaan, sinibak kahapon ng pamunuan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa puwesto ang jailwarden ng Caloocan City Jail matapos na mabaril at mapatay ng isang jailguard ang isang suspect sa pagpatay sa cameraman ng RPN-9 na si Ralph Runez kamakailan.

Si Supt. Emilio Culang ay sinibak dahil sa command responsibility matapos ang kaduda-dudang pagkabaril ni JO2 Ricardo Zulueta, 25, residente ng Bldg. 15 Unit 1541, MRB Manggahan, Commonwealth, Quezon City at nakatalaga sa Caloocan City Jail sa isa sa Ruñez slay suspect na si Ernani Magnayon, 29, may-asawa. Si Culang ay pinalitan ni Supt. Mamerto Deloro bilang officer-in-charge.

Sa inisyal na imbestigasyon ni SPO3 Antonio Paras, dakong alas-11:45 kamakalawa ng umaga ng nililinis ni Zulueta ang kanyang .9mm na baril ay aksidenteng pumutok kung saan tinamaan sa mukha si Magnayon na nasa gilid. Nabatid na nasa administration office sina Zulueta at Magnayon.

Subalit ayon naman sa isang testigo, nagpamasahe umano si Zulueta kay Magnayon at nang sila ay matapos ay mabilis na nag-ayos ng kanyang gamit ang huli.

Habang nag-aayos ng kanyang damit si Magnayon ay nakarinig na lamang ng putok ang mga preso. Mabilis na isinugod sa President Diosdado Macapagal Hospital si Magnayon at inilipat sa MCU Hospital ngunit binawian ito ng buhay dakong alas-8:35 ng umaga kahapon.

Nauna rito, tinangka ring isalvage ang isa pang suspect sa pagpatay kay Ruñez na si Charles Alarce na unang nadakip ng pulisya.

Si Alarce ay himalang nabuhay at dito ikinanta ang umano’y mga utak sa krimen na sina Insp. Bryan Limbo at PO3 Aristotle de Guzman na nakapiit din sa Caloocan City Jail.

Dahil dito, agad na iniutos ni NPD director Chief Supt. Leopoldo Bataoil ang masusing imbestigasyon sa pagkasawi ni Magnayon sa posibilidad na plinano ang pamamaslang gaya ng unang tangkang pagpatay kay Alarce na nagsisilbi ngayong state witness.

Ang kaso ni Runez ay nakatakdang dinggin ngayong araw sa Caloocan City RTC Branch 128 kung saan isa pa sa witness ang tatayo upang ituro si Magnayon na siyang triggerman sa Runez slay.

ANTONIO PARAS

BRYAN LIMBO

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY JAIL

CHARLES ALARCE

CHIEF SUPT

DAHIL

MAGNAYON

ZULUETA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with