^

Metro

MMDA buking sa pamimigay ng billboard permit

-
Nalagay sa balag ng alanganin ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nang aminin ng isang opisyal ng ahensiya na nag-iisyu ito ng clearance sa bawat pagtatayo ng advertising billboards sa pangunahing lansangan sa Metro Manila.

Ayon sa isang MMDA insider, sa nakaraang director’s meeting sa MMDA, inamin ni Architect Alfonso Romero, head ng Construction Equipment and Management Office(CEMO) na ang kanyang tanggapan ay nagpapalabas mismo ng clearance sa mga billboard contractors.

Sinabi ni MMDA Undersecretary Cesar Lacuna na bubusisiin nito ang extent at uri ng permiso ng CEMO na ipinalalabas nito sa mga pribadong contractors. Aniya, kahit noon pa ay hindi sila nag-isyu ng building permit kung kaya’t nais nilang makita ang sakop ng nasabing clearance.

Matatandaan na naunang ipinahayag ni Makati City Mayor Jejomar Binay na walang itinayong billboard sa major streets na hindi binigyan ng permit ng MMDA.

Uminit din ang ulo ni Binay nang akusahan umano sila ni MMDA Chairman Bayani Fernando na responsable sa mga oversized ad displays sa lansangan. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ANIYA

ARCHITECT ALFONSO ROMERO

AYON

BINAY

CHAIRMAN BAYANI FERNANDO

CONSTRUCTION EQUIPMENT AND MANAGEMENT OFFICE

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY MAYOR JEJOMAR BINAY

METRO MANILA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

UNDERSECRETARY CESAR LACUNA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with