VP ng Homeowners utas sa ambush
October 8, 2006 | 12:00am
Isang opisyal ng Homeowners Association ang patay sa ambush matapos na pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang lalaki habang nag-aayos ng kawad ng kuryente kamakalawa ng hapon sa Pasig City.
Dead-on-the-spot ang biktimang si Rufino "Boy" Lauron, 39, Vice President ng Millennium Subdivision, Pasig City matapos na magtamo ng apat na tama ng bala ng baril sa ulo at katawan habang mabilis namang tumakas ang mga hindi pa nakikilalang suspect na kapwa armado ng .45 baril.
Ayon kay Sr. Supt. Francisco Uyami, dakong ala-1:30 ng hapon nang maganap ang insidente sa panulukan ng San Sebastian at Mangga St., Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City.
Kasalukuyang nag-aayos ng kable ng kuryente ang biktima nang biglang dumating ang dalawang suspect at walang sabi-sabing pinaulanan ito ng bala.
Sinabi ni Uyami na tinitingnan nila ang anggulong land dispute matapos na malamang maraming kasong inaasikaso ang biktima sa kanilang lugar.
Patuloy naman sa follow operation ang mga awtoridad upang matukoy ang mga suspect. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am