^

Metro

Sumalpok Sa Bus: GMA-7 reporter patay, 3 pa sugatan

- Doris Franche-Borja -
Patay ang reporter ng GMA-7 habang tatlo pang katao ang sugatan nang sumalpok ang kotse ng una sa isang pampasaherong bus kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Sabog ang ulo at lasog ang katawan ng biktimang si Dan Campilan, 25, ng Tupas St., San Pedro 6, Napocor Ville, Quezon City, habang nagtamo naman ng galos at pasa sa katawan sina Reynaldo Camposano, 20; Maalagin Ebrahim, 21, at Omar Gazino, 25, pawang mga pasahero ng Miami Bus Liner.

Nakapiit naman ngayon ang driver ng bus na rin Danilo de Vera matapos ang aksidente.

Batay sa imbestigasyon ni PO3 Ferdie Paglinawan ng Quezon City-Traffic Sector 2, naganap ang aksidente dakong alas-5:30 ng madaling-araw sa tapat ng La Mesa Dam sa Quirino Highway, Lagro, Novaliches Quezon City.

Patungo sa direksiyon ng Bulacan si Campilan sakay ng kanyang Toyota Corolla na may plakang TBW-155 nang mag-overtake umano sa isang puting kotse si Campilan hanggang sa salubungin at sumalpok ito ng bus na may plakang CVK-822.

Dahil sa lakas ng pagkakasalpok, wasak ang sasakyan ni Campilan na sinasabing dahilan kung kaya’t matagal pa itong naialis sa loob ng sasakyan.

Inaalam pa ng pulisya kung lasing ang biktima nang maganap ang insidente.

vuukle comment

DAN CAMPILAN

FERDIE PAGLINAWAN

LA MESA DAM

MAALAGIN EBRAHIM

MIAMI BUS LINER

NAPOCOR VILLE

NOVALICHES QUEZON CITY

OMAR GAZINO

QUEZON CITY

QUEZON CITY-TRAFFIC SECTOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with