Status quo muna, habang may tensyon pa – DILG

Mananatiling status quo ang sitwasyon sa Pasay City Hall bagamat may kani-kanyang rason ang kampo ni Pasay City Mayor Allan Panaligan at Vice Mayor Antonio Calixto. Ito naman ang pahayag ni Interior and Local Government Secretary Ronaldo Puno, bunsod na rin ng nagaganap na krisis sa Pasay City Hall bunga na rin ng inaasahang agawan sa puwesto ng dalawang opisyal. Ayon kay Puno, walang magaganap na galawan o palitan ng uupo sa Pasay City Hall hangga’t hindi natatapos ang gulo sa pagitan ng mga supporters ng magkabilang panig. Aniya, tensiyonado ang kampo nina Calixto at Panaligan kung kaya’t hindi muna manghihimasok ang DILG at sa halip ay Pasay City Police na lamang ang bahalang humawak ng sitwasyon sa labas ng City Hall. (Doris Franche)

Show comments