^

Metro

Multiple murder isinampa vs brgy. captain, 8 pa

-
Sinampahan na kahapon ng kasong multiple murder ang 9 katao kabilang ang isang brgy. chairman ng Valenzuela City dahil sa brutal na pagpatay sa 6 na obrero sa loob ng isang subdibisyon sa Caloocan City noong Linggo ng madaling-araw.

Ayon kay Supt. Nap Cuaton, hepe ng Caloocan Police Investigation and Management Bureau, inihain na nila sa Caloocan Prosecutor’s Office ang kasong multiple murder laban kina Graciano Victoriano, kapitan ng Brgy. Bignay sa Valenzuela City; ang executive officer nito na si Santiago Lumabao at tanod na si Ricky Flor.

Kasama pa sa kinasuhan ang mga pinaghahanap pang suspect na sina Dandoy Estrella, dating driver ni Chairman Victoriano; Romeo Pacheco, Ariston Yurasa, Rodel Malabuhay, Danilo Campos at Francisco Bernal, pawang mga tanod sa Brgy. Bignay.

Matapos na walang makuhang matibay na ebidensiya, pinakawalan naman ang naunang mga inaresto na sina Alejandro Galapo, Roselio Flor at Mark Anthony Estrella.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na ang mga suspect ang rumatrat sa mga factory workers na sina Ramon Villanueva, Jefferson Agipanan, Jun Azuero, Arthur Cadorna, Judril Megiso at Reymie Ponteros Amaro noong Oktubre 2 sa loob ng Nova Romania Subd. sa Deparo, Caloocan City.

Nauna rito, nabatid na galing sa inuman ang mga biktima at habang naglalakad pauwi sa barangay Bignay ay napansin ang mga ito ng isang tricycle driver na may kahina-hinalang kilos. Mabilis na isinumbong ang mga biktima sa barangay at agad namang nagresponde sa pangunguna ni ex-o Lumabao.

Nang makita ang mga biktima ay kinapkapan ang mga ito ay doon nakuha ang tatlong patalim. Dadalhin na sana ito sa pulisya para isuko subalit iba ang naging kautusan ni brgy. chairman Victoriano.

Imbes na dalhin sa pulisya ang mga biktima dinala ang mga ito na pawang nakaposas sa loob ng Nova Romania Subd. at doon niratrat hanggang sa mapatay.

Nabatid kay Cuaton na marami nang kaso ng pagpatay at pagkawala ng ilang mga katao sa nasabing barangay kung saan isinasangkot ang nasabing kapitan at ng dati nitong driver na si Estrella na kilalang "hitman" ng kapitan sa lugar.

Si Estrella ay tumakas kasama ang asawa at anak dala ang armalite na ginamit sa pamamaril sa mga biktima. (Ellen Fernando)

vuukle comment

ALEJANDRO GALAPO

ARISTON YURASA

ARTHUR CADORNA

BIGNAY

BRGY

CALOOCAN CITY

CALOOCAN POLICE INVESTIGATION AND MANAGEMENT BUREAU

NOVA ROMANIA SUBD

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with