Apo ni Dolphy, sinaksak, ninakawan ang sariling utol
October 4, 2006 | 12:00am
Kinasuhan kahapon sa Quezon City Metropolitan Trial Court ang apo ni King of Comedy na si Dolphy makaraan umano nitong saksakin ang sariling kapatid sa loob ng kanilang bahay noong Linggo sa Quezon City. Si Nicollo Paulo Quizon, 18, residente ng No. 55 Ubay Street Barangay La Loma, QC ay sinampahan ng kasong slight physical injuries, habang nakakulong sa Quezon City Police District Station-La Loma Police Station 1.
Ayon sa QCPD Station 1 isinampa nila ang kasong attempted homicide at theft laban kay Quizon bunsod na rin ng reklamo ng kapatid nitong si Rowell, 24, entertainer kung saan sinabi nito na naganap ang insidente noong Oktubre 1 pagdating niya sa kanyang bahay.
Nakasaad sa sworn affidavit ni Rowell na napansin niyang bukas ang kanyang kuwarto at nakita niya ang kanyang kapatid at mga kaibigan nito na naghahalungkat sa loob .
Ayon kay Rowell tinangka niyang itulak palabas ang mga kaibigan ng kanyang kapatid subalit nagalit ang huli kung kayat sinaksak siya nito na naging resulta ng pagkakaroon niya ng sugat sa kanang braso.
Sinabi ni Rowell na kinuha ng kanyang kapatid at mga kaibigan nito ang kanyang Play Station 2 computer na nagkakahalaga ng P12,000; dalawang cellular phones at silver necklace na nagkakahalaga ng P3,500.00.
Bunga nito agad na nagreklamo sa pulisya si Rowell at nagtungo sa Chinese General Hospital and Medical Center upang makapagpagamot. Subalit nang kanyang malaman na bumalik sa bahay ang kanyang kapatid, agad niya itong pinaaresto
Sa isinagawa namang inquest proceeding ni Assistant City Prosecutor Lilian Ramiro inirekomenda nito ang pagsasampa ng slight physical injuries, habang ibinasura naman ang kasong theft dahil wala umanong pagnanakaw na naganap dahil ang complainant at respondent ay nakatira sa iisang bahay. (Doris M. Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest