^

Metro

Pumatay sa call center agent: Rookie cop lider ng holdap gang, timbog

- Danilo Garcia -
Nadakip ng Manila Police District (MPD) ang isang bagitong pulis na hinihinalang lider ng isang grupo ng mga holdaper matapos na makilala na siyang bumaril at pumatay sa isang call center agent na unang napagkamalan na holdaper sa Tondo, Maynila.

Nakilala ang suspek na si PO1 Gerald Paquinto, alyas "Jay-Jay", nakatalaga sa MPD-Station 4 habang nadakip rin ang kasamahan nito na si Michael Vergara, 29.

Itinuro ang dalawa ng isang 15-anyos na saksi na siyang bumaril at lumimas sa lahat ng gamit ng biktimang si Alvin Francisco, 28, residente ng Abad Santos St., Tondo. Nagtamo ito ng isang tama ng bala sa likod na tumagos sa sikmura sanhi ng agad nitong kamatayan.

Sa unang ulat ng MPD-Homicide Section, napagkamalan na holdaper si Francisco matapos na lumutang ang nagpanggap na biktima ng panghoholdap na si Ronalyn Paquinto. Sinabi nito na naglalakad siya dakong alas-3 ng madaling-araw sa may Coral Street nang tutukan umano siya ng patalim ni Francisco ngunit nagsisigaw siya kaya tumakbo ito.

Inabutan naman ng mga barangay tanod si Francisco na naliligo na sa sariling dugo sa panulukan ng Coral at F. Varona Street matapos na barilin ng hindi nakilalang suspect.

Ngunit ayon sa lumutang na saksi, nakita niya na hinahabol nina Paquinto at Vergara sakay ng isang motorsiklo ang biktima na lulan naman ng kanyang scooter. Inutusan umano ito na huminto ngunit hindi pumara kaya binaril ito buhat sa likuran.

Habang duguang nakalugmok, binugbog pa umano ng dalawa si Francisco, nilimas ang mga gamit nito at kinaladkad ang katawan ng biktima hanggang sa may F. Varona Street. Ayon sa tiyahin ni Francisco na si Aling Angelica Hagos, 65-anyos, nawawala umano ang suweldo sa call center, cellphone, mga alahas at maging ang scooter ng kanyang pamangkin.

Lumalabas naman na nagpanggap ang pulis na rumesponde sa lugar ng krimen. Nagpanggap naman ang asawa nito na si Ronalyn na siyang hinoldap ni Francisco habang nagpanggap rin na saksi si Vergara upang malusutan ang kaso. Ang mga ito rin ang nagpa-blotter sa MPD-Station 1 na holdaper si Francisco.

Ngunit ayon sa batang saksi, may mga hawak umano na mga holdaper si Paquinto sa Coral Street, Tondo na tumatakbo sa kanya kapag nagkakaroon ng hulihan. Isa rin umanong kilalang "drug addict" ang naturang pulis sa kanilang lugar.

Dito agad na nagsagawa ng operasyon ang follow-up unit ng Homicide Section sa pangunguna ni Detective William Gondrajos na nagresulta sa pagkakadakip ng dalawang suspect sa bahay nito sa Coral Street, Tondo.

ABAD SANTOS ST.

ALING ANGELICA HAGOS

ALVIN FRANCISCO

CORAL STREET

DETECTIVE WILLIAM GONDRAJOS

FRANCISCO

GERALD PAQUINTO

HOMICIDE SECTION

MANILA POLICE DISTRICT

VARONA STREET

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with