^

Metro

Katarungan sa 6 sinalvage na obrero, hingi ng pamilya

-
Magkakasabay na humihingi ng hustisya ang mga pamilya ng anim na obrero na sinalvage ng tinatayang 10 kalalakihan sa loob ng isang subdivision sa Caloocan City, kamakalawa ng madaling-araw.

Ayon kay Supt. Nap Cuaton, hepe ng Caloocan City Police Criminal Investigation and Management Unit, halos bumaha ang luha nang magtungo ang mga kaanak at kapamilya ng anim na salvage victim sa morgue kung saan unang inilagak ang mga bangkay ng mga biktimang sina Ramon Villanueva, Jefferson Agipanan, Jun Azuero, Arthur Cadorna at ang dalawang huling nakilala na sina Judril Megiso at Reymie Ponteros, pawang mga trabahador sa King Dragon Melting Aluminum na matatagpuan sa Sto. Niño, Meycauayan, Bulacan.

Sinabi ng mga kapamilya ng mga biktima na wala umano silang nalalaman na naging kaaway o nakagalit ang mga huli kaya laking pagkabigla nila sa nangyari sa mga ito. Ipinauubaya na lamang nila sa pulisya ang kaso para sa ikalilinaw at ikalulutas nito at dapat umanong parusahan ang mga responsable sa krimen.

Ang anim na biktima ay natagpuan dakong alas-7:05 ng umaga kamakalawa ng ilang sibilyan sa isang bakanteng lugar sa nasabing subdivision na tadtad ng bala sa katawan at ulo.

Natagpuan ng mga pulis sa lugar ang may 26 basyo ng bala ng M-16 at limang slug ng kalibre .9mm pistol. (Ellen Fernando)

ARTHUR CADORNA

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE CRIMINAL INVESTIGATION AND MANAGEMENT UNIT

DRAGON MELTING ALUMINUM

ELLEN FERNANDO

JEFFERSON AGIPANAN

JUDRIL MEGISO

JUN AZUERO

NAP CUATON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with