^

Metro

Moratorium sa pagbibigay ng permit sa mga billboard, giit

-
Umapela kahapon si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Bayani Fernando sa 17-alkalde sa Kalakhang Maynila na ihinto ang pagbibigay ng permit sa pagtatayo ng bagong structures at ipursige ang isang moratorium para kontrolin ang pagkakabit ng mga billboards sa metropolis.

Nabatid na ang panawagan ni BF ay bunsod ng mga disgrasya at perwisyo ng mga naglalakihang billboards na kumitil din ng buhay at nag-iwan pa ng milyong halaga ng damage to property matapos na manalasa ang bagyong si Milenyo.

Kasama ni Fernando si Senator Ramon "Bong" Revilla kahapon na nag-monitor sa Metro Manila roads at tumambad sa kanila ang obstructions na nilikha ng mga nagbagsakang billboards na masasabing mahihina ang naging pundasyon.

Sa naturang inspeksyon hiniling ng MMDA chief kay Revilla na bigyan ang ahensiya ng kopya ng income o kinikita ng bawat lokal na pamahalaan sa billboards sa nakalipas na limang taon.

Samantala, sususpendihin na ngayong araw na ito ng Manila City Council ang pagbibigay ng permit sa mga advertising agency para sa mga billboards.

Ayon kay Konsehal Bojay Isip-Garcia na inaasahang ipapasa ngayong araw sa kanilang sesyon ang suspensyon para sa permits.

Ang Makati City ay nag-impose na rin ng moratorium sa pagkakabit ng mga bagong billboards at commercial displays. (Lordeth Bonilla At Danilo Garcia)

ANG MAKATI CITY

CHAIRMAN BAYANI FERNANDO

KALAKHANG MAYNILA

KONSEHAL BOJAY ISIP-GARCIA

LORDETH BONILLA AT DANILO GARCIA

MANILA CITY COUNCIL

METRO MANILA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

REVILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with