Fraternity group na holdaper, umatake sa QC
October 2, 2006 | 12:00am
Puspusan ang ginagawang follow-up operation ngayon ng mga tauhan ng Quezon City Police District-Kamuning Police Station laban sa isang grupo ng fraternity na humoldap sa dalawang computer programmer kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.
Dumulog kahapon sa himpilan ng pulisya ang mga biktimang sina Mark Allan de Belen, 22, ng no. 21 Sgt. Rivera St. San Francisco del Monte, Q.C. at Ronald Allan Casipe, 22, ng no. 285 Rd. 1, Brgy. Pag-asa, Q.C.
Ang mga suspect ay binubuo ng pitong katao kabilang ang isang babae na pinaniniwalaang mga nasa impluwensiya din ng droga.
Batay sa reklamo ng mga biktima, naganap ang panghoholdap ng mga suspect dakong alas-4 ng madaling araw sa Tomas Morato Ave. Brgy. Laging Handa, Quezon City. Papauwi na sila galing Decades Bar nang biglang lapitan ng pitong suspect na armado ng patalim at ilang kalibre ng baril.
Tinakot ng mga suspect ang dalawang biktima hanggang sa dalhin sa madilim na lugar at doon kinulimbat ang mga alahas, cellphone at pera ng mga ito.
Ayon kay Supt. Mario Soriano, inutos na niya ang pag-iikot sa mga lugar na madalas na tambayan at hang-outs ng mga kabataan sa pangamba na muling mabiktima ng mga grupo ng fraternity na nagsasagawa ng modus operandi.
Hanggang sa ngayon ay inaalam pa ng pulisya kung anong grupo ng fraternity ang nangholdap sa dalawang biktima. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended